Acom Soundtrip: Journey with Journey
November 21, 2018
White Non-Marking Forklift Tires
February 13, 2019

Simbang Gabi

“Ang Pasko ay sumapit. Tayo ay mangagsi-awit”

Sa oras na marinig mo ang kantang ito sa labas ng iyong bahay, alam mong malapit nang magpasko. At sa tuwing sasapit ang ika 16 ng Disyembre maaga nang gumigising ang mga tao para pumunta sa simbahan. Ang Simbang Gabi o Misa De Gallo ay isang tradisyon na ginagawa ng ating mga Pilipinong Katoliko sa loob ng siyam na gabi. Paano ito nagsimula at bakit ito nagpapatuloy?

Ang nobena at misa ay dinala ng mga misyonerong Kastila noong ika-16 siglo. Nakita ng mga misyonero na hindi nakakadalo ng misa ang mga magsasaka dahil maaga palang ay nagpupunta na sila sa bukid upang magtanim. Kaya nagkaron ng desisyon na gawin ito ng madaling araw at ito ang tinatawag natin ngayong Misa De Gallo. Sa pagadaan ng panahon hindi lang ito naging tradisyon, ito rin ay naging simbolo ng pananampalataya ng ating mga Pilipinong Katoliko sa Panginoon. May mga dumadalo umaasang ibibigay ng Diyos ang kanilang mga kahilingan, ang iba ay upang ipakita ang kanilang debosyon at pag-ibig, at ang ilan naman ay upang ibalik sa Diyos ang mga papuri at pasasalamat para sa nagdaang taon ng pagpapala, pagiingat, at mga biyaya.

Alin man ang dahilan ng ating mga kapwa Pilipino ito ay malinaw na nagpapakitang malalim ang ugat ng ating pananampalataya at sakripisyo para sa ating Diyos. Naging pagkakakilanlan din ito ng ating lahi at buong pagmamalaking pinapakita sa mundo. Ngayong pasko ay paniguradong magiging “busy” ang lahat sa paghahanda ng pagkain, pamimili ng mga regalo, at pagpunta sa iba’t-ibang mga “christmas party”. Ngunit wag sana nating kalimutan ang tunay na dahilan ng ating mga selebrasyon, si Kristo.

Mula sa Acom Family, binabati namin kayo ng Maligayang Pasko!